TAAL, Batangas - Hindi pa mabatid ng mga awtoridad ang dahilan ng pagpapakamatay ng isang 16-anyos na babae na natagpuang nakabitin sa kisame ng kusina ng kanilang bahay sa Taal, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Melody Laurente, taga-Barangay Tierra, sa nasabing bayan.

Ayon sa report ni PO3 Sheryl Sadang, dakong 10:30 ng umaga nitong Disyembre 11 nang matagpuan ang bangkay ng dalagita na nakabitin at may tali sa leeg.

Dead on arrival sa Taal Polymedic Hospital ang dalagita, ayon sa pulisya. (Lyka Manalo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito