Ginamit ng National University (NU) ang matinding laro sa second upang pataubin ang defending champion Ateneo, 73-60, para makumpleto ang first round sweep sa UAAP Season 78 juniors basketball tournament sa Blue Eagle gym.

Nagdomina si Justine Baltazar sa gitna at nagposte ng 18-puntos, 16 rebound, at 5 block habang nagdagdag din si John Lloyd Clemente ng18-puntos para ibigay ang ikapitong sunod na panalo ng Bullpups.

Hindi naman naramadaman si Jolo Mendoza ng Blue Eaglets, dahil nabigong umiskor ang nakaraang taong Finals MVP sa loob ng 15 minuto na itinagal nito sa court makaraang magtamo ng injury sa tuhod.

Dahil sa kabiguan, bumagsak ang Ateneo sa barahang 5-2 kapantay ng De La Salle-Zobel, na nakatikim naman ng 66-79 kabiguan sa kamay ng Adamson University.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagpakita si EJ Agbong ng kanyang best game ngayong season na nagtala ng 20- puntos at 15 rebound para sa Baby Falcons,na nag angat sa kanila sa barahang 4-3 kapantay ng Far Eastern University (FEU)-Diliman na nanaig naman 61-40 panalo kontra University of Santo Tomas (UST) sa ika apat na puwesto papasok ng second round na magsisimula ng Enero 9 matapos ang Christmas break. - Marivic Awitan