Santino at Jericho
Santino at Jericho
Ni NITZ MIRALLES

SINA Jericho Rosales at Jennylyn Mercado rin ang kumanta ng theme song ng MMFF entry nilang Walang Forever. Kung tama kami, Bawat Daan ang title ng song at kasama tiyak sa Original Soundtrack o OST ng pelikula.

Enjoy na enjoy sa recording ng theme song sina Jericho at Jennylyn at naging vocal coach nila si Mkye Salomon na siya ring musical director ng movie, kaya  “in” ang dating sa aming pandinig.

Maganda ang unang pagsasama sa pelikula nina Jericho at Jennylyn na dati, sa TV, movie at billboard lang magkakilala. Sabi ni Jericho, sa billboard ni Jennylyn sa EDSA at sa napanood niyang pelikula nitong Rosario lang niya kilala ang kapareha ngayon.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Ibinuking naman ni Jennylyn na mas matanda sa kanya si Jericho sa inaming napapanood niya ang aktor noong bata pa siya sa hit TV show nitong Pangako Sa ‘Yo. Hindi niya ini-expect na darating ang panahong makakatambal niya si Jericho.

Curious lang ang movie press sa nabanggit ni Jericho na may nai-share sa kanya si Jennylyn tungkol sa buhay nito. Hindi na sinabi ni Jericho kung anong aspeto ng personal na buhay ang nai-share ni Jennylyn, sekreto ‘yun na ipinagkatiwala sa kanya at hindi niya sisirain ang tiwala ni Jennylyn.

Samantala, marami ang nagulat nang malamang binata na ang anak ni Jericho na si Santino. Binati ni Jericho ng happy birthday ang anak at nag-post ng pictures nila sa kanyang Instagram (IG).

Sa isang picture ay pareho silang naka-shorts sa harap ng billiard table at pareho ng pose. Ang caption ni Jericho, “Happy birthday to the coolest kid (in a man’s body) in town! You give out so much love to all of us and you make me so proud! I love you, Saint! Let’s wreck those billiard balls again soon!”

Sa isa pang picture ay may caption na, “Wish we could go back to that day where I used to grab your shirt and shorts and lift you up and run so you can pretend that you’re flying. It’s your turn to lift me up now.”