Pokwang copy

SA grand presscon entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival na All You Need is Pag-ibig, ipinakita ni Pokwang ang suot-suot niyang mamahaling singsing. Siyempre, marami ang humula na engagement ring ito at ikakasal na siya sa boyfriend niyang si Lee O’Brien.

“Hindi pa po. Katutubos ko lang. Wala pa pero darating din naman tayo diyan. Ako pa maglilihim pa ba sa inyo? Kayo naman, kaya ko naman bumili nito kahit papaano. SM lang ito, eh. Masaya ang Pasko ko at saka siyempre, ‘yung Pasko naman dapat lagi talaga tayong masaya, eh, kasi, di ba, ‘yun yung kapanganakan ng ating savior.

“Kaya dapat lagi din tayong thankful sa kung anong meron tayo at ‘yun ang reason ng Pasko, be happy,” napatawang paliwanag ni Ms. P.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Inamin din ni Pokwang na sa Pilipinas magpapasko ang boyfriend na first time ever maranasan ang pagdiriwang ng Paskong Pinoy.

“Sobrang special siyempre sa aming dalawa ang Pasko ngayon. Pareho kaming excited. Alam na ninyo kung bakit. Tapos na ako sa malalamig na Pasko. Everyday summer, mainit pa sa ilaw na ito. Masaya naman ‘yung mga nakaraan kong Pasko, pero ngayon mas higit na mas masaya talaga. Ngayon may kasama na akong magsi-Simbang Gabi,” sey pa rin ng magaling na komedyana.

Gustung-gusto ni Pokwang ang papel niya sa pelikulang All You Need is Pag-ibig, siya raw ang madalas na kaeksena ng dalawang batang sina Talia at Julia na pamangkin ni Ms. Charo-Santos-Concio.

“Iba naman ang pelikula naming ito. Bukod sa maraming nakaka-relate sa bawat kuwento ng pag-ibig dito, iba, eh.

Kumbaga, hindi lang puro kilig, hindi lang puro tawa, may kurot din. Ako rito ang tita ng dalawang cute na barbies.

“Tita na yaya na rin nila, everything to them. Because I love them so much and they are my pag-ibig. Ang pag-ibig ko dito ay umaasa pero nganga pa rin. Napagdaanan ko ‘yan, seventeen years na all by myselft,” napatawa pa ring banggit ni Pokwang.

Samantala, kabituin ni Pokwang sa pelikulang ang mga bidang sina Kris Aquino, Derek Ramsay, Xian Lim, Kim Chiu, Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria, directed by Direk Antoinette Jadaone. (Jimi Escala)