DAMASCUS, Syria (AP) – Sinabi ni Syrian President Bashar Assad na hindi makikipagnegosasyon ang kanyang gobyerno sa grupong armado, na tinawag niyang “terrorists”.
Ang mga komento ni Assad ay inilathala nitong Biyernes ng state media ng Syria, isang araw matapos ang komperensiya sa Saudi Arabia na layuning bumuo ng pinag-isang oposisyon sa mga ikakasang pulong upang wakasan na ang maglilimang taon nang kaguluhan sa Syria.
Sinabi ni Assad sa Spanish news agency na EFE ang Saudi Arabia, Amerika at iba pang Western countries “want terrorist groups to join the negotiations table”, at iginiit na hindi niya ito papayagan dahil “this is a matter that I believe no one will accept”.