Kinumpirma ng Department of Justice (DoJ) na walang sindikato sa likod ng “tanim bala” kundi ilang tiwaling empleyado lang ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagkakanya-kanyang diskarte upang makapangotong sa mga pasahero.

Ito ang inihayag ni DoJ Undersecretary Emmanuel Caparas, matapos maisumite ng National Bureau of Investigation (NBI) ang report kaugnay ng imbestigasyon sa isyu.

“Walang laglag-bala syndicate ,walang hawak na ebidensiya ang NBI para sabihin na may sindikato. Pero may mga tao talagang gumagawa,”pahayag ni Caparas sa isang press briefing.

Gayunman, sinabi ni Caparas na hindi pa pinal ang imbestigasyon at tuluy-tuloy pa rin ang pagsisiyasat ng NBI kaugnay ng kontrobersiya ng laglag bala maging sa iba pang paliparan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sinabi pa ni Caparas na hinihintay pa nila ang isasampang kaso ng NBI laban sa mga sangkot sa laglag bala.

Samantala, tumanggi si Caparas na pangalanan ang mga kakasuhan ng NBI. (Beth Camia)