Sugatan ang limang Lumad matapos tambangan ng hindi nakilalang suspek sa Don Carlos, Bukidnon, kamakalawa ng umaga.

Sakay ng jeep ang mga biktima karga ang inigib na tubig at pauwi na nang paulanan sila ng bala ng M-16 rifle at carbine sa Purok 3, Barangay Sinaguyan, Don Carlos.

Agad na naisugod sa pagamutan ang mga biktimang sina Sgt. Antonio Saavedra, 40; Sgt. Tamano Nasrudin, 37, mga miyembro ng Cowboy Security Agency; Juliet Baquil, Jonny Manlapoy na taga-Davao City at Elvira Mulanta na tubong Poblacion Norte, Don Carlos, Bukidnon.

Sinabi ni Senior Insp. Rod Dongiapon, hepe ng Don Carlos Municipal Police Station (DCMPS), na may kaugnayan ang pananambang sa pinag-aagawang lupa na binabantayan ng mga Lumad sa nasabing barangay. (Fer Taboy)
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol