TANGGAP na tanggap ng masusugid na sumusubaybay sa Ang Probinsyano ang tambalan nina Coco Martin as Cardo at Maja Salvador bilang Glen dahil kilig na kilig ang lahat ng mga nagtatanong sa amin kung nililigawan daw ng actor sa personal ang dalaga na mabilis naming sinagot ng, ‘hindi po.’

Ang ganda-ganda naman kasi ng batuhan ng dialogues at aktingan nina Cardo at Glen, walang makikitang anumang awkwardness, kasi kung may relasyon, nahahalatang asiwa sa isa’t isa, maliban na lang kung ubod ng galing silang magtago. Tama ba, Bossing DMB?

(Based from your own experience ba ito, Reggee? –DMB) (REGGEE BONOAN)
Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'