Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na walang consular services (passport, authentication/”red ribbon”, consular civil registration at ibang katulad na serbisyo) sa DFA Office of Consular Affairs-Aseana at sa lahat ng DFA Satellite Office sa Metro Manila maging sa DFA Regional Consular Office sa Disyembre 24, 25, 30, 31 at Enero 1 at 2, 2016.

Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 831, Series of 2014 at Proclamation No. 1105, Series of 2015, na nagdedeklara sa Disyembre 24 bilang dagdag na special non-working day; Disyembre 25 (Araw ng Pasko), regular holiday; Disyembre 30 (Araw ni Rizal), regular holiday; Disyembre 31 (huling araw ng 2015), special non-working day; Enero 1 (Bagong Taon), regular holiday; at karagdagang special non-working day naman ang Enero 2, 2016.

Ayon pa sa DFA ang lahat ng DFA Satellite Office sa Metro Manila ay sarado sa Disyembre 12.

Para sa mga katanungan tungkol sa passport processing, mag-email sa [email protected]; sa authentication (a.k.a. “red ribbon”), mag-email sa [email protected]; at kung hinggil sa reports of births, marriages, and deaths, sa [email protected]. (Bella Gamotea)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists