NEW YORK (PNA) — Nagsara ang presyo ng krudo sa pinakamababa sa loob ng pitong taon noong Lunes kasunod ng desisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) noong Biyernes na panatilihin ang crude production pumping sa kasalukuyang antas sa merkadong umaapaw na ang supply.

Sinabi ng 13-miyembrong OPEC sa isang pagpupulong noong Biyernes na hindi babawasan ang produksyon, ngayon ay nasa 40 porsyento na ng crude output ng mundo.

Ang grupo ay kasalukuyang nagpoprodukto ng halos 31.5 milyong bariles kada araw, lumalagpas sa 30 milyong bariles bawat araw sa limitasyong itinakda sa pulong noong Hunyo.

Ang West Texas Intermediate para sa Enero ay bumaba ng USD 2.32 at nanatili sa USD 37.65 kada bariles sa New York Mercantile Exchange, habang ang Brent crude para sa delivery sa Enero ay bumaba ng USD 2.27 para magsara sa USD 40.73 kada bariles sa London ICE Futures Exchange.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon