Nalalapit man ang Kapaskuhan, puno pa rin ng mga kuwentong katatakutan ang mapapanood sa I Juander ngayong gabi.

Sasagutin nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario kung bakit kahit panahon ng Pasko, uso pa rin ang mga kuwentong kababalaghan.

Papasyalan ng mga I Juander hosts ang isang simbahan sa Los Baños, Laguna na may paring pugot ang ulo raw na nagmimisa.  

 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Aalamin din kung bakit tila may kasamang espiritu ng isang bata ang dalagang si Glaiza habang nangangaroling.

 

Nakakikilabot din ang kuwento ni Princess, na nakatanggap ng kakaibang regalo. Disyembre raw kasi noon nang muntik nang malunod ang dalaga. Apat na taon na ang lumipas ay tila may nakabantay sa kanya na hindi niya nakikita.

 

Tampok lahat ng ito sa I Juander ngayong Miyerkules ng gabi, 8 PM, sa GMA News TV.