Nagtanghal ang ilan sa mga sikat na recording artist sa paglulunsad ng Manila Broadcasting Company at Star City sa 2015 MBC National Choral Competition na gaganapin sa Aliw Theater.

Si Luke Mejares ang nanguna kagabi at kasunod naman sina Kean Cipriano at Eunice ngayong gabi. Si Jason Dy naman ang siyang guest bukas, at ang sikat na DJ ng 90.7 na si Papa Jack ang aawit sa December 11.

Para sa grand finals sa Dec. 11, aawit si Tanya Chinita ng 101.1 Yes FM at ang kilalang bandang J Brothers.

Apatnapu’t apat (44) na choirs mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang magtatagisan para sa kampeonato ng MBC National Choral Competition. May nakalaang premyong P150,000 para sa magwawagi sa open category, at P100,000 naman para sa children’s division.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Katuwang ng MBC at Star City sa malakihang kompetisyong ito ang Alaska, Shell, Hapee Toothpaste, Coca-cola, Cobra Energy Drink, Speed Detergent, M.Lhuiller, Jollibee, Dunkin Donuts, at ang Philippine Choral Directors Association.

Alas siyete (7:00) magsisimula ang labanan gabi-gabi. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin sa Facebook ang official page ng MBC National Choral Competitions.