vhong copy

SI Vhong Navarro ang isa sa mga bida ng Buy Now, Die Later ng Quantum Films at isa sa Magic 8 ng 2015 Metro Manila Film Festival.

Pawang bigatin at pinaghandaang mga pelikula ang makakatapat ng Buy Now, Die Later, gaya ng All You Need is Pag-ibig nina Kris Aquino, Derek Ramsay, Pokwang, James Reid, Nadine Lustre at ang patok na tambalan sa Pangako Sa ‘Yo, sina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion. May entry rin sina Vic Sotto, Ai Ai delas Alas with AlDub sensation, plus Honor Thy Father ni John Lloyd Cruz.

But knowing na kilalang magkaibigan at magkasama sa It’s Showtime sina Vhong at Vice Ganda, naitanong kay Vhong kung nagkakaroon ng tensiyon sa kanilang dalawa sa nakatakdang banggaan ng kanilang entries sa MMFF.

BALITAnaw

#BALITAnaw: Mga sikat na personalidad na sumakabilang-buhay ngayong 2024

“Kami ni Vice nagkasabay na rin kami before,” malumanay na sagot ni Vhong. “Ang nakakatuwa sa amin ni Vice, mayroon kaming tulungan. Magkapatid kami at magkasama pa sa trabaho, so ang sabi ko suportahan na lang tayo dito sa social media. Ipa-plug namin ang isa’t isa at sa promo mismo ng mga pelikula namin.”

Last year, kasama ni Vice si Alex Gonzaga sa The Amazing Praybeyt Benjamin 2 at sabi’y lucky charm niya ito. Ngayong 2015 MMFF, si Alex naman ang kapareha ni Vhong? May “magic” din kayang hatid si Alex sa box-office appeal ng kanilang tambalan?

“Gusto ko ibigay ang sisi kapag ‘di kami kumita kay Alex Gonzaga kasi last year siya ang naging lucky charm ni Vice kaya kumita ang pelikula nila,” pabirong sagot ni Vhong.

Dahil magkatabi sa presscon, agad sumagot si Alex na may napatunayan na rin si Vhong sa takilya dahil nagkaroon na rin ito ng box office hit. Saka group effort daw ang pagbuo nila ng pelikula na inaasahang papatok sa mahihilig sa comedy.

“Lahat kami dito tulong tulong kami at ang genre namin horror-comedy so sino ba ang nagpasimula ng lahat ng ‘yan, si Vhong Navarro, kaya bongga ang pelikula namin,” pagtatapos ni Alex. (ADOR SALUTA)