PANTABANGAN, Nueva Ecija - Apat na tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ng isang 53-anyos na dating pulis na ngayon ay close-in-security ni Mayor Lucio B. Uera na natagpuan sa gilid ng Pantabangan-Baler Road sa Barangay East Poblacion, nitong Linggo ng gabi.

Batay sa ulat ng Pantabangan Police kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si Carlito Barcelo y Vargas, may asawa, ng Bgy. Villarica.

Ayon kay SPO4 Napoleon Ladores, nakatalaga sa Highway Patrol Group (HPG) sa Camp Crame sa Quezon City, dakong 11:00 ng gabi nang mapadaan siya sa lugar patungong Aurora at mapansin niya na may taong nakahandusay sa kalsada kaya agad niya itong ini-report sa pulisya.

Sinabi ng pulisya na si Barcelo ay nasa drug watch list ng Pantabangan Police.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Hindi pa matukoy ng awtoridad ang motibo sa pamamaslang. (Light A. Nolasco)