Hindi gaya ng ibang ahensiya, tulad ng Social Security System (SSS), hindi mauubos ang pondo ng PhilHealth, ayon sa CEO-President nitong si Atty. Alexander Padilla.

Aniya, bagamat mas malaki ang ibinabayad na benepisyo kumpara sa koleksiyon—P100 bilyon ang ibinabayad ng ahensiya sa health services kumpara sa P88 bilyon na koleksiyon nito—hindi maba-bankrupt ang PhilHealth.

Sinabi ni Padilla na mayroong P106-bilyon reserved fund ang PhilHealth na pinagkukunan nito ng pantapal sa diperensiya.

Bagamat ganito, aminado si Padilla na hindi maiiwasang magtaas ng premium o kontribusyon sa mga miyembro kung sakaling umabot sa punto na mauubos na ang reserved fund. - Mac Cabreros

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal