Mga laro
Mall of Asia Arena
Disyembre 6
Japan Warriors vs Singapore Slammers
UAE Royals vs Philippine Mavericks
Disyembre 7
Indian Aces vs UAE Royals
Japan Warriors vsPhilippine Mavericks
Disyembre 8
Singapore Slammers vs UAE Royals
Indian Aces vs Philippine Mavericks
Sasagupain ng Philippines Mavericks ang Singapore Slammers bukas, Sabado, Disyembre 6, sa unang laban sa ikalawang leg sa ginaganap na 2015 International Premier Tennis League season (2015 IPTL) sa Mall of Asia Arena.
Opisyal na kikilalanin ang torneo bilang 2015 Coca-Cola International Premier Tennis League Presented by Qatar Airways matapos ang sponsorship agreements sa pagitan ng The Coca-Cola Company at Qatar Airways na nasa ikalawang taon nang professional team tennis league na pinaglalaban ng limang koponan sa Asia.
Ang Japan Warriors ang pinakahuling sumali sa liga upang maging ikalimang kalahok na koponan. Una nang binuo ang Indian Aces, Philippine Mavericks, Singapore Slammers at ang United Arab Emirates Royals.
Samantala, umatras na si Novak Djokovic sa torneo at papalitan siya nina Andy Murray at Stan Wawrinka para sa Singapore Slammers. Papalitan din ni Dustin Brown si Thanasi Kokkinakis.
Una nang pinalitan ni Milos Raonic si Borna Coric gayundin si Edouard Roger-Vasselin kay Jo-Wilfried Tsonga. Si Philipp Kohlschreiber ang kapalit ni Vasek Pospisil habang si Pierre-Hugues Herbert ang lalaro kay Lucas Pouille.
Si Mirjana Lučić-Baroni ang kahalili ni Daniela Hantuchová habang si Alja Tomljanović ang kapalit ni Sabine Lisicki.
Si Samantha Stosur ang siyang papalit naman kay Agnieszka Radwańska.
Ang ikalawang season ng IPTL ay nagsimula na noong nakaraang Linggo sa Kobe, Japan , ang una sa limang round robin ng torneo na susundan sa Manila, New Delhi, Dubai at Singapore.
Isinagawa ang unang round noong Disyembre 2–4 sa Kobe World Hall sa Japan na susundan ngayong Disyembre 6–8 sa Mall of Asia Arena para sa Philippine leg. Isusunod ang sagupaan sa Disyembre 10–12 sa Indira Gandhi Indoor Stadium sa New Delhi, India.
Ang ikaapat na leg ay isasagawa sa Disyembre 14–16 sa Aviation Club Tennis Centre sa Dubai, United Arab Emirates habang ang ikalima at huling leg ay sa Disyembre 18–20 sa Singapore Indoor Stadium sa Singapore, Singapore.
Kabilang sa Philippine Mavericks sina Milos Raonic ng Canada, Richard Gasquet at Edouard Roger-Vasselin ng France, Past champions mula Australia na si Mark Philippoussis, Doubles player Treat Huey ng Pilipinas, Icon players mula United States na si Serena Williams; Ana Ivanovic ng Serbia; at Jarmila Gajdošová ng Australia. (ANGIE OREDO)