629 copy

ISA si Gabby Eigenmann sa mga nakisaya sa Thanksgiving/Christmas party ng PPL Entertainment nitong nakaraang Martes at nakakatuwa na kasama pa niya ang kanyang wife na si Apple sa pag-eestima sa entertainment press.

Nabanggit ni Gabby na baka sa bahay ni Andi Eigenmann sila mag-pasko kasama ang mga pinsan at ang kani-kanilang pamilya.

“Yearly kasi ginagawa namin sa bahay ni Ryan (Eigenmann) sa South, pero si Andi kasi, sana bago mag-pasko, lilipat na siya sa sarili niyang condo. So we might spend Christmas day sa bahay niya. Pero Christmas Eve, sa bahay nina Ryan (pa rin),” sabi ng kuya ng aktres.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Kumusta naman ang 2015 ni Gabby?

“Happy naman, ang dami kong shows na nagawa na hindi ko (expected), from WansapanaKids, Parekoy, Beautiful Strangers, Insta Dad, so I’m very grateful. ‘Tapos I’ve won two awards this year, so overwhelmed pa rin ako.

“Every year, lagi akong nagpapasalamat talaga sa biyayang ibinibigay sa akin. There are years that are really tough, there are years na tuluy-tuloy ang blessings. Masasabi ko, balance ngayong taon na ‘to.

“So kung ano man ang mangyayari sa 2016, sabi ko nga, magre-renew na ako sa GMA, surprise na lang sa 2016 kung ano’ng mangyayari,” nakangiting pahayag ni Gabby.

May gusto pa ba siyang ma-achieve sa career niya?

“I wanna do more movies and I talk to Perry (Mangilaya, manager niya), sabi ko, nagko-contemplate ako, I miss singing, so sana by the end of the year may maisip kaming konsepto for next year if I’m gonna pursue singing ulit.

“Minsan nga niloloko ko si Perry kasi busy siya kina Migz (Haleco) at Maya, so ako, I always watch their gig. I miss singing, so ini-imagine ko, parang… kaya ko pa ba? So, try ko kasi singing is isa rin sa love ko, doon ako unang nanalo ng award (Most Promising Male Artist, Best Performance by a New Male Recording Artist and Most Promising Male Singer/Performer sa iba’t ibang award-giving bodies).”

Nag-release ng album si Gabby noong 2001 under Viva Records at sa GMA Records naman noong 2006.

“Sabi ko nga kay Perry, parang gusto kong mag-birthday concert (March 2) May mga nagsabing, oo, may mga nagsabing, ‘wag na. Tinatawanan lang niya ako,” kuwento pa ng aktor.

“’Pag hindi, okay lang naman, pero isa ‘yan sa mga gusto kong mangyari for 2016. Hopefully, I can go back to music scene.”

Isa si Gabby sa pinaka-loyal na talent ng GMA-7, at wala pa rin siyang planong iwan ang istasyon. Excited na siyang mag-renew ulit ng kontrata sa susunod na taon. Wala siyang planong lumipat sa ibang network.

“Kasi mahal na mahal ako ng GMA, ganu’n din naman ako sa kanila, for the longest time I’ve haven’t been, hindi naman ako exclusive sa kanila when I started, eh. Pero the way that they treated me, the way that they been treating me, kahit walang kontrata, I feel like I’m exclusive star of GMA, so natutuwa ako kasi hindi nila ako pinababayaan.

“Pero una akong nagsimula sa kabila (ABS-CBN) sa Palibhasa Lalaki, pero tumatawid pa ako noon kasi SOP naman sa GMA, so nag-reformat ang Palibhasa, naiwan ako sa GMA because I’m doing SOP. So, since that day, that was 1997, so mga 17 years na ako sa GMA.

“Sa industriya, I considered myself as one of the late bloomer kasi nga like two to three years ago ako lang ako napansin, two or three years ago lang ako nabigyan ng parangal. So I’m striving hard for every project that has given, not to win an award but just to do the job that I’ve been doing for the longest time. Kung mapansin, good, kung hindi okay lang din.”

Katatapos lang niyang gumawa ng short film para sa Anak OFW Film Festival, “I think may premiere night sa December 10,” say pa ni Gabby. (REGGEE BONOAN)