ALIAGA, Nueva Ecija - Nagmistulang tinibang puno ng saging ang katawan ng isang 37-anyos na magsasaka makaraan siyang pagtatagain ng hindi nakilalang salarin sa Purok 7, Barangay Sunson sa bayang ito, nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ng Aliaga Police kay Mayor Elizabeth Vargas, nakilala ang biktimang si Rommel Calaranan y Bagan, ng nasabing lugar, na nagtamo ng malalalim na taga sa leeg, batok at iba pang bahagi ng katawan dulot ng karit na panabas.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Philip Santos, dakong 10:30 ng gabi at namamahinga si Calaranan sa kanyang kubo nang biglang sumulpot ang hindi nakilalang lalaki at walang sabi-sabing pinaghahataw ng panabas ang biktima.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo na pagpatay sa biktima. (Light A. Nolasco)