TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Wala nang buhay nang bumagsak sa lupa ang isang magsasaka matapos siyang barilin sa ulo ng kanyang kapitbahay na nasabihan niyang malaki ang tiyan, sa Amulung, Cagayan.

Kinilala ang biktimang si Arnel Balinuyos, habang ang suspek ay si Juliano Alfonso, kapwa magsasaka at magkapitbahay sa Barangay Unag.

Sa imbestigasyon ng Amulung Police, nadatnan umano ni Alfonso ang biktimang nakikipag-inuman kay Marcial Cabbab, hanggang sa bigla siyang sabihan na malaki ang tiyan. Nagkasugatan ang dalawa hanggang sa masampal ni Balinuyos ang suspek.

Umalis ang suspek at nang magbalik ay may dala na itong baril, subalit dahil wala na si Cabbab ay si Balinuyos na ang pinagbalingan nito at binaril sa ulo. (Wilfredo Berganio)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog