Disyembre 2, 1942 nang isagawa ng Nobel Prize recipient at physicist na si Enrico Fermi ang unang nuclear chain reaction sa kanyang laboratoryo sa University of Chicago.

Nagsagawa ng mga eksperimento si Fermi, isang full-time physics professor sa University of Florence, sa pagmamanipula sa bilis ng neurons upang makabuo ng radioactivity. Ginawa rin niya ang isang “transuranic” element na may mas mataas na atomic number.

Nagsagawa muli si Fermi ng iba’t ibang eksperimento kasama ang Danish-born physicist na si Niels Bohr, na nagsabing posibleng magkaroon ng chain reaction, sa Columbia University.

Naitatag ang Manhattan Project matapos lumiham si Albert Einstein kay noon ay United States President Franklin Roosevelt kung paano magagamit ng militar ang nuclear chain reaction. Nagpatayo si Fermi ng isang laboratoryo na may kumpletong “atomic pile” equipment.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Matapos ang eksperimento, natanggap ni Roosevelt ang isang coded message na nagsasabing, “The Italian navigator has landed in the new world.”