Disyembre 1, 2001 nang itigil ng English national museums ng United Kingdom ang paniningil ng mga admission fee, bilang resulta ng pangkalatahang eleksiyon sa bansa. Sa ngayon, may mahigit 50 national museum sa UK ang libreng pasukin at libutin. Ang mga museo na pinangangasiwaan ng mga humaliling administrasyon ay libre simula pa noong Abril 1, 2001.
Mula 2000 hanggang 2010, mahigit 50 milyong katao na ang bumisita sa mga national museum sa UK, may pagtaas na 51 porsiyento. Ang bilang ng mga bumibisita ay lumobo sa mahigit 150 porsiyento, mula sa 7.2 milyon noong 2000-2001, sa halos 18 milyon noong 2010-2011. Iba-iba rin ang mga bumibisita matapos na ipinatupad ang polisiyang “free admission”.
Ilan sa mga libreng museo sa UK ay ang Natural History Museum, Science Museum, Victoria & Albert, National Railway Museum sa York, National Museums and Galleries sa Merseyside, National Maritime Museum, National Railway Museum, Imperial War Museum, Museum of Science and Industry, Museum of London, Royal Armouries, at Theatre Museum.