Lee at Pokwang
Lee at Pokwang

KAHIT may ilang buwan nang nakalipas matapos makunan ang first baby sana nila ni Pokwang ay nakadarama pa rin ng kalungkutan ang American actor na si Lee O’Brien tuwing naaalala ang nangyari.

Nagkataong first baby pala sana iyon ni Lee.

“Really, I felt bad. I was the father but we must accept it. We had to move on. It’s not the end of the world. But now, for you to know, we are for another pre-production,” halatang nang-aaliw na paliwanag ni Lee nang makatsikahan namin sila ni Pokwang sa tahanan ng huli sa Antipolo nang ipagdiwang nila ang Thanksgiving Day.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

Nasaktan si Lee nang husto dahil inakala niya na magkakaroon na siya ng anak.

“Well, that is my first baby supposed to be that’s why I was hurt really,” sey ni Lee habang pinapapak namin ang napakasarap na turkey na for the first time ay niluto ni Pokwang para sa boyfriend at sa iba pa nilang mga bisita.

Nasa Pilipinas si Lee nang makunan si Pokwang. May ilang linggo lang din namang bumalik sa America ang aktor, muling nagbalik last Wednesday sa Pilipinas, at napag-alaman namin mula mismo kay Pokwang na higit na mas maraming dinalang kagamitan ngayon si Lee.

True ba na pinagplano na niya ang engagement nila ni Pokwang?

“Well, engagement? Not yet but that’s what exciting right now. We’ve been dating for a year. We are in the process to have a baby, really. Engagement will not happen too soon but let’s see,” sagot ng Amerikanong boyfriend ni Ms. P na in fairness may ilan na ring alam na Tagalog words.

Napag-alaman din naming darating sa Pilipinas ang mga magulang at ilang kamag-anak ni Lee sa Pebrero. Pamamanhikan lang ang peg, ayon sa aming source na close sa dalawa. 

Ayun kay Lee, hindi niya naipakilala sa mga magulang niya si Pokwang.

“They already knew her but I have not yet formally introduced her,” sey ni Lee.

Napapanood pa rin tuwing Sabado ang TV show ni Lee sa TV5, ang Kano Loves Pinay kasama si Tuesday Vargas.

“We have taped 13 episodes already, but for now we have not yet heard from them. I don’t know what will happen with our show. It depends on TV5 new management,” banggit pa ng dyowa ni Pokwang.—Jimi Escala