Claudine Barretto
Claudine Barretto

Ni NITZ MIRALLES

KABABALITA lang ni Claudine Barretto na may sakit na lupus ang kanyang inang si Mrs. Inday Barretto, heto at nag-post naman siya na nasa emergency room siya ng ospital na hindi niya binanggit ang pangalan noong Sabado ng gabi. 

Hindi niya binanggit kung bakit siya nagpaospital. As of presstime, hindi pa sinasabi ni Claudine kung ano ang sakit niya, but at least, nakakapag-post pa siya sa Instagram (IG).

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Tanong tuloy ng followers/fans ni Claudine, bakit madalas siyang may sakit? Kundi siya ang may sakit, ang dalawang anak niya. Concerned ang kanyang fans, lalo’t may sisimulan siyang teleserye sa TV5 with Diether Ocampo.

Also, may ibang fans/followers si Claudine na nagtatanong kung bakit kinailangan pang ibalita ng aktres na may sakit ang kanyang ina. May mga nag-react din sa isa sa latest post niya na “Repost if your worst fear is losing your MOM.”

Parang inuunahan daw ni Claudine ang mangyayari sa kanyang ina, pero iyon siguro ang kanyang paraan para harapin ang sakit ng ina.