SUE copy

NAG-UMPISA ang half-American, half-Pinay na si Sue Ramirez sa pagganap bilang best friend, kapatid o anak ng mga bida sa TV at pelikula. Anim na taon na rin sa showbiz si Sue na nag-umpisa bilang isa sa mga singers ng teen oriented show na Shout Out. Hinubog ng panahon ang batang aktres at matapos ang anim na taon, nabigyan na siya ng magandang break.

Naging bahagi si Sue ng Mula sa Puso, Angelito, Oka Tokat, Annaliza, Dream Dad, All of Me, Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN at ng mga pelikulang Aswang, Just the Way you Are at bagamat maliit lang ang role ay agad napansin sa A Second Chance na kasalukuyang tumatabo ngayon sa box office.

Sulit ang paghihintay ni Sue dahil napansin siya ng kanyang home network at masuwerteng napili upang maging cast ng primetime soap na Pangako Sa’Yo Book 2. Ginagampanan niya ang role ni Ligaya na mortal na kaaway at admirer ni Daniel Padilla bilang Angelo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

 

Itinuturing ni Sue na isa sa challenging at overwhelming roles ang maging ka-loveteam si Daniel o third wheel sa sikat na KathNiel loveteam. 

“Masaya po ako na maging part PSY kasi napansin po nila ang talent ko at kayang ipakita bilang aktres,” sabi ng dalaga.

 

Alam din ni Sue na sa pagtanggap niya ng naturang role, marami ang good at bad criticisms na matatanggap niya. 

“Positibo naman po ako kung paano ko tinatanggap ang mga good lalo na po ang mga bad cristicisms sa akin. Mas lalo ko pa pong pinagbubutihan ang trabaho ko for the audience,” dagdag pa ni Sue. (ADOR SALUTA)