MALALAKING sporting events ang handog ng ABS-CBN Sports ngayong weekend. Kahapon ang Game 2 ng Finals series sa ika-78 na season ng UAAP at ngayong araw naman ang “Pinoy Pride 34: Back with a Vengeance”.

  

Panoorin ang pagbabalik nina Milan “El Metodico” Melindo at “King” Arthur Villanueva sa ring. Parehong galing sa pagkatalo ang dalawang boksingero ng ALA na gustong makabalik sa aksiyon sa pamamagitan ng malalaking panalo.

Gustong patunayan ni Melindo na kaya pa niyang sumabay sa malalaking pangalan sa boksing pagtungtong niya sa ring. “Gusto kong ipakita na ako ang pinakamagaling sa ALA Gym,” aniya.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

 

Gusto ring makabawi si Villanueva sa nakakagulat na pagkatalo sa kanyang huling laban.

“Ando’n pa rin ‘yung pangarap kong maging world champion, at ipapaalam ko ‘yon pag-apak ko sa ring sa Pinoy Pride 34,” sabi ng binata.

 

Ang “Pinoy Pride 34: Back with a Vengeance” ay ipapalabas simula 10 AM ngayong araw (Linggo, November 29) na may replay sa ABS-CBN Sports + Action ng 9 PM pagkatapos ng replay ng NBA game ng araw ding iyon.