Nobyembre 29, 1972 nang ilunsad ng Atari ang unang sumikat na videogame nito na “Pong” na isang arcade game. Ang unang coin-operated “Pong” arcade machine ay itinayo sa Andy Capp’s sa Sunnyvale, California.
Simula noon, ang “Pong” machine ay nagkakahalaga ng $1,200 (aabot sa $6,500 sa kasalukuyang palitan). Nahati sa walong segment ang Pong paddle.
Si Engineer Allan Alcorn ang nagpaunlad ng multi-player game, habang ang tagapagtatag ng Atari na si Nolan Bushnell ang nagpakilala nito sa publiko.
Makalipas ang dalawang taon, maaari itong laruin sa mga tahanan, at mahigit 8,000 “Pong” machine ang naibenta.
Noong kalakasan ng nasabing laro, mahigit 150,000 coin-operated Pong arcade unit ang nagamit. Nagsimula ang “Pong” bilang one-game-per-quarter standard na ginamit hanggang 1980s.