JANA AT CONEY copy

GAGANAP bilang bata na may dalawang malubhang karamdaman ang Ningning star na si Jana Agoncillo sa kanyang unang Maalaala Mo Kaya episode ngayong gabi.

Sa edad na anim, buong pag-asang nilalabanan ni Ashley (Jana) ang bone marrow cancer at epidermolysis bullosa, isang bihirang sakit sa balat. Pero sa halip na pagbuklurin ng kanyang kalagayan ang kanyang pamilya, naging sanhi pa ito ng lamat sa relasyon ng kanyang inang si Jennifer (Precious Lara Quigaman) at lolang si Cleofe (Coney Reyes).

Dahil napabayaan si Jennifer noon, pilit na bumabawi si Cleofe sa pamamagitan ng pag-aalaga sa apo at pagbibigay ng lakas ng loob kay Jennifer, na tila hindi kayang alagaan ang sariling anak at makita itong nagdurusa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Maging matapang pa kaya si Jennifer para sa kanyang anak? Maisaayos pa kaya nina Cleofe at Jennifer ang kanilang relasyon alang-alang kay Ashley?

Kasama rin sa episode ngayong gabi ng MMK sina Marco Alcaraz, Juan Rodrigo, Suzette Ranillo, Anna Luna, Sofia Millares, at Alvin Arellano, mula sa panulat ni Elfren Vibar at sa direksiyon ni Ruel Montanes.