KEN CHAN_FOR DESTINY ROSE copy

DAPAT talagang ma-insecure kay Ken Chan ang maraming kababaihan na sumusubaybay sa Destiny Rose dahil Septemer 14 lang ito nag-pilot, heto at in-extend na ng GMA-7. Kaya ang original 20 weeks na takbo ng LGBT o lesbian, gay bisexual, and transgender–themed Afternoon Prime ay aabot na ng 26 weeks.

Magtatapos dapat ang Destiny Rose ng January 2016, pero mauurong na sa March. Kapag mataas pa rin ang rating at mananatiling positive ang feedback ng viewers at naaaliw pa, posibleng muli itong ma-extend.

Tuwang-tuwa si Ken Chan na tinanggap ang Destiny Rose at tinanggap siya sa transwoman role. Ang kaba ng cast, production at ni Direk Don Michael Perez na baka hindi ito magustuhan ay napalitan ng tuwa.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Ang hirap at laking challenge sa akin ang role na ito. Kung challenge sa akin ang role ni Joey dahil sa rami ng hirap na pinagdaanan, mas lalong big challenge for me na gampanan si Destiny Rose lalo’t lalaki ako. Hindi ganu’n kadali, pero napag-aaralan,” wika ni Ken.

Effective si Ken sa role ni Destiny Rose, may umaming natomboy sa kanya, may nag-offer ng kasal at may nag-wish na maging totoo ang relasyon nila ni Fabio Ide. Kinikilig ang viewers sa kanilang dalawa at inaabangan ang kanilang mga eksena.

May girlfriend si Ken at hindi raw ito nagdududa sa kanyang kasarian at suportado siya nito mula pa noong magsimula ang Destiny Rose hanggang ngayon. Suportado rin siya ng kanyang pamilya at proud ang mga ito sa kanya.

“Binisita ako minsan ng parents ko sa taping at sobrang natuwa sila. Iba raw ‘pag sa TV nila ako napapanood at ‘yung nakita nila ako ng personal as Destiny Rose. Nakikita nilang nag-i-enjoy ako sa pino-portray kong role,” pagtatapos ni Ken. (NITZ MIRALLES)