Sugatan ang isang babaeng dayuhan matapos mabagsakan ng tipak ng semento mula sa dine-demolish na Mandarin Hotel sa Makati City, kahapon.

Agad isinugod sa pagamutan ang hindi pa kilalang Australian matapos magtamo ng bali sa kanang paa at lumabas pa ang buto sa tindi ng pagkakabagsak ng debris.

Isa pang motorista na sakay ng Sports Utility Vehicle (SUV) ang nakaranas ng hirap sa paghinga at halos ma-trauma nang mabagsakan din ng tipak ng semento ang kanyang sasakyan.

Sa inisyal na ulat, dakong 12:52 ng hapon nang mabagsakan ng tipak ng semento ang dayuhan habang naglalakad sa harapan ng tinitibag na gusali ng Mandarin Hotel sa Paseo de Roxas.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nagulat na lang ang Australian nang may biglang bumagsak sa kanyang harapan at makaramdam siya ng matinding sakit sa paa.

Bukod sa dayuhan, minalas na nadamay ang isang SUV na dumaraan sa tapat ng hotel ngunit masuwerteng hindi nasugatan sa insidente, maliban sa nahirapan itong huminga.

Pansamantalang isinara ang magkabilang linya ng Paseo de Roxas dahil sa insidente, at nagdulot ito ng matinding trapiko sa bahagi ng Makati Avenue hanggang Buendia. (BELLA GAMOTEA)