Iniurong ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kay dating Isabela Gov. Grace Padaca kaugnay ng hindi paghahain ng kanyang mga statement of assets, liabilities and networth (SALN) noong gobernador pa ito ng lalawigan.
Idinahilan ng anti-graft court ang mosyon ng prosekusyon na ikansela muna ang pagbasa ng sakdal laban kay Padaca dahil inaamyendahan pa ang isinampang impormasyon laban sa kanya.
Itinakda ng hukuman ang arraignment proceedings sa Pebrero 18, 2016.
Tinukoy naman ng korte ang paglabag ni Padaca sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees nang mabigo itong magharap ng SALN mula 2008 hanggang 2010.
Ang nasabing kaso ay isinampa sa Sandiganbayan noong Oktubre 13, 2015, na nataon namang paghahain ng certificate of candidacy (CoC) para sa 2016 elections. (Rommel P. Tabbad)