curry_Jpeg (page 16 banner story) copy

Warriors, hindi napigilan sa 16-0.

Hindi napigilan ang nagtatanggol na kampeon na Golden State Warriors na tuluyang itala ang kasaysayan para sa pinakamagandang simula sa National Basketball Association matapos nitong sungkitin ang 16-0 rekord sa pag-uwi ng 111-107 panalo kontra Los Angeles Lakes Martes ng gabi sa California.

Nagtala si Stephen Curry ng kabuuang 24-puntos at siyam na assist upang tulungan ang Warriors sa panalo na sinalubong ng pagpapatalsik ng mga confetti ilang segundo matapos tumunog ang buzzer na nagsisimbolo ng pagtatapos ng laro.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nagdagdag si Draymond Green ng 18-puntos, pitong rebound at limang assist para sa Warriors na itinulak pa ang franchise-record home winning streak nito sa kabuuang 27 laro kung saan ang coach na si Steve Kerr ay nanonood lamang sa likuran habang nagpapagaling sa kumplikasyon na dala ng dalawang surgery sa likod.

Giniyahan ni interim coach Luke Walton ang Warriors sa makasaysayang panalo na naging maningning dahil sa naisagawa nito kontra sa prangkisa ng Lakers na tinulungan nito sa dalawang titulo sa liga.

Naging ikaanim na koponan naman ang Golden State sa kasaysayan ng NBA na nagwagi ng 20 sunod na laro sa regular-season na nagsimula naman sa nakaraang season.

Nasa kamay naman ng Suns ang tsansang putulin at pigilan ang natatanging pagsisimula ng Warriors na bibisita sa Phoenix sa Biyernes.

Naglaro lamang si Curry ng kabuuang 30-minuto kung saan naupo na ito sa natitirang huling 6.5 segundo sa ikatlong yugto sa malakas na pagbubunyi ng sellout crowd na 19,596 na halos umabot din sa 20,000 kung nabilang ng husto ang mga nasa standing-room only.

Nagtala naman si Los Angeles star Kobe Bryant ng 1 of 14 para sa kanyang apat na puntos na pumantay sa pinakamasama nitong shooting performance sa kanyang career sa isang laro.

Nahulog ang Lakers sa masaklap na 2-12 panalo-talo na ikalawang pinakapangit na kartada sa NBA.

Samantala, binigyang parangal ang dating Warriors shooting guard na si Jason Richardson na hindi makapaniwala sa napakasuwerteng pagkakataon matapos na parangalan siya ng Golden State Martesnoong Binigyan ito ng framed jersey mula sa Adonal Foyle sa presentasyon na isinasagawa sa unang quarter. (ANGIE OREDO)