IBAAN, Batangas - Patay ang isang waitress habang sugatan naman ang isang lalaki matapos silang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa loob ng isang videoke bar sa Ibaan, Batangas.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang 48-anyos na si Delia Mendoza, habang sa paa naman nabaril si Virgilio Magtaas, 42 anyos.

Ayon sa report ni PO3 Reynaldo Dusal, dakong 9:45 ng gabi nitong Nobyembre 21 nang pumasok sa loob ng Giliw’s Videoke Bar sa Barangay Sabang ang suspek na nakasuot ng bonnet, at pinagbabaril ang mga biktima.

Naniniwala ang pulisya na posibleng si Mendoza ang target sa pamamaril dahil sinundan pa umano ito ng suspek sa banyo. (Lyka Manalo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?