SUPER kabado pala si Direk Cathy Garcia-Molina sa pelikulang A Second Chance na sequel ng One More Chance nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo dahil malayo ang kuwento nito sa una.

Naikuwento raw ito ni Direk Cathy sa taga-Star Cinema na baka hindi niya maabot o malampasan ang kinita ng One More Chance at ang napakagagandang mga rebyu noon sa istorya nina Popoy at Basha.

Oo nga naman, walong taon na ang nakararaan pero bukambibig pa rin sina Popoy at Basha lalo na’t paulit-ulit pa rin itong ipinapalabas sa Cinema One.

Ang pagkakaroon ng cult following ng One More Chance ang nagtulak sa Star Cinema para gawan ng sequel, na ito na ngang A Second Chance.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Nakakatakot at nakakanerbiyos po talaga kasi baka masyadong mag-expect ang audience dito. Iba po kasi ito sa One More Chance, mature po ito at hindi ‘yung inaasahan na maraming kilig, hindi po ganu’n ang Second Chance.” kuwento ni Direk Cathy sa grand presscon ng bagong John Lloyd-Bea movie.

Bilang ordinaryong movie buff, kahit na anong pelikula nina Lloydie at Bea ay talagang pinapanood namin. Katunayan, wala kaming pinalampas na pelikulang pinagbidahan nila. Kahit na hindi sila ang magkasama ay talagang watch pa rin kami.

Hindi dahil fan kami ng dalawa kundi dahil nagagalingan kami sa pag-arte nila. At higit sa lahat, maganda at guwapo silang panoorin sa malaking telon maski nababawasan na ang buhok ni John Lloyd.

Samantalang si Bea naman ay paganda nang paganda sa lahat ng pelikula niya. Sabi nga ng lahat, ang galing ng pagbabago ng aktres dahil gumaganda siyang lalo kumpara sa ibang artista na parang kotse lang, nagde-depreciate.

Sabi nga namin, Bossing DMB, maski siguro itinapat pa ang A Second Chance sa The Hunger Games: Mockingjay Part 2 ay pipilahan pa rin sina Popoy at Basha.

Kaya sa Popoy-Basha supporters, tara na sa mga sinehan bukas! (Reggee Bonoan)