GERONA, Tarlac – Dalawang hindi kilalang bangkay, na pinaniniwalaang biktima ng summary execution, ang natagpuan sa farm lot ng Barangay Caturay, Gerona, Tarlac.

Sa imbestigasyon ni PO2 Artem Balagtas, ang unang biktima ay nakasuot ng orange sweatshirt at itim na maong pants, habang ang ikalawa ay nakasuot naman ng brown jacket, asul na underwear at brown short pants.

Ang dalawa ay may taas na 5’3” at 5’5”, maputi, at kapwa maikli ang buhok, Pareho silang nakagapos ang mga kamay, nababalutan ng masking tape ang bibig, at may mga tama ng bala sa katawan.

Wala namang nakuhang ID sa mga bangkay, na nakalagak sa Lotus Funeral Parlor sa Barangay Sta. Cruz, Tarlac City. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog