Regine copy

ISANG linggo nang nailabas ang 2015 GMA Christmas Station ID, pero may mga nagtatanong pa rin kung bakit hindi nakasama sina Regine Velasquez-Alcasid, Jennylyn Mercado at Ms. Nora Aunor. Kaya ang Asia’s Songbird, nagpaliwanag na kung bakit wala siya sa shoot ng Kapuso stars at broadcasters ng GMA News & Public Affairs.

Aniya, walang kasalanan ang GMA Network dahil siya ang hindi available sa schedule na ibinigay sa kanya.

“Palagi na naman akong kasama noon, kaya lang this time hindi talaga kinaya ng schedule ko,” sabi ni Songbird.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Naging too busy ako dahil sa weekend concerts ko na Regine at The Theatre sa Solaire Resorts & Casino, kaya it’s my fault, not GMA’s. Sinabi ko na sa mga fans ko na huwag nang gawing issue ang tungkol doon, baka sabihin pa na inutusan ko sila. Tama na iyon at nagustuhan ko ang concept nila, sayang nga lang at hindi ako nap’wede.”

Iyon din daw ang reason nina Ate Guy na out of town noong shoot at si Jennylyn ay nasa last taping day naman ng My Faithful Husband sa Tagaytay.

Napapanood na ngayon ang mga 15-second-video na inilalabas sa bawat programa ng GMA-7. May isang video na ang magkasama ay ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, kasama ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza na kumakanta ng theme song, sumasayaw at gumagawa ng heart-shaped sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.

May magandang balita naman ang GMA Records, dahil number one na sa iTunes Philippines ang single na MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko na kinanta ni Alden Richards bilang theme song ng 2015 GMA Christmas Station ID. 

May TV plug din si Alden na nagsasabing kapag nag-download kayo ng said single sa iTunes, lahat ng proceeds nito ay mapupunta sa Kapuso Foundation para sa victims ng typhoon Lando. (Nora Calderon)