GERONA, Tarlac - Hindi nakayanan ng isang trabahador ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang problema niya sa kanyang nobya hanggang ipasya niyang magbigti na lang sa loob ng tanggapan ng DPWH sa Barangay Parsolingan, Gerona, Tarlac.

Ang insidente ay inireport sa pulisya ni John Kenneth Trogon, 23, computer operator ng DPWH, na ang nagpatiwakal ay kinilalang si Joel Florendo, 39, binata, stay-in laborer, ng Rizal Street, Bgy. Paraiso, Tarlac City.

Dakong 9:00 ng umaga nang nagtungo si Trogon sa stock room ng Financial and Management Section ng DPWH at nadiskubre roon ang bangkay ni Florendo, na gumamit ng extension wire sa pagbibigti.

Nauna rito, napansin ng mga katrabaho na laging balisa si Florendo, na labis umanong namumroblema sa kasintahan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Leandro Alborote)