Patay ang isang factory worker nang masagi ng isang tren ng Philippine National Railways (PNR) habang pauwi matapos siyang mamulot ng mga kahoy na panggatong sa Kahilum I, Pandacan, Manila, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Mark Jeb Gomez, 21, residente ng 1238 Kahilum I, Pandacan, Manila.

Sa ulat ni SPO3 Hipolito Borigas, ng Manila Police District- Station 10, nabatid na nangyari ang aksidente dakong 9:40 ng umaga sa riles ng tren malapit sa Kahilum I, sa Pandacan.

Nauna rito, namumulot lang umano ng panggatong ang biktima at kanyang pinsan sa President Quirino Avenue Road at pauwi na nang mahagip ng dumaraang tren na patungong norte.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Tumilapon pa ng may 20 metro ang biktima dahil sa tindi ng impact ng aksidente na naging sanhi ng pagkamatay nito.

(Mary Ann Santiago)