MARK HERRAS copy

FOCUSED si Mark Herras sa kanyang work at sa anak niyang si Ada, na siyang pinakamahalaga sa kanya ngayon. Kaya rin thankful si Mark na bago matapos ang 2015, sunud-sunod ang kanyang projects sa GMA Network. 

Mayroon na siyang daily morning serye na Dangwa with Janine Gutierrez and Aljur Abrenica, napapanood pa siya gabi-gabi sa family drama series na Little Nanay.

“Nakaka-relate ako sa role ko as the istriktong kuya ni Tinay (Kris Bernal) sa story,” sabi ni Mark. “Two years old lamang ang anak ko at si Tinay, dalaga na pero ang isip para sa isang seven year-old, kaya parang nag-aalaga ako ng anak ko.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Then, first time kong nakatrabaho ang Superstar, si Nanay Nora (Aunor), at kasama ko pa rin ang mga itinuturing ko nang icons sa showbiz, sina Tito Eddie Garcia at Tito Bembol Roco. Maganda pa, naaalagaan nila kami nina Kris at Juancho (Trivino) dahil kaming tatlo ang mga apo nila. Ang daming itinuro sa amin ni Nanay Nora, lalo na sa pag-atake sa role. Ako pa naman ang seryoso rito at over-protective kay Tinay.”

Isa rin si Mark sa segment hosts ng Starstruck 6 with Kris Bernal uli, Rocco Nacino at Miguel Tanfelix na tulad niya ay mga produkto rin ng artista search. Dagdag pa ni Mark, ayon daw sa manager niya, may bago pa siyang project na sisimulan sa 2016.

Bakit mukhang nagseryoso na siya ngayon sa trabaho niya?

“Tulad nga po ng sinabi ko, para sa anak ko ang lahat ng ginagawa ko, para sa kanya, siya ang inspirasyon ko. Very attached sa akin ang anak ko, maayos naman ang relasyon namin ng mommy niya, kahit we’re not living together, ang concern lamang namin ay ang welfare ng baby namin. “Marami ngang nagtatanong, kung hindi na raw ako mag-aasawa.

Ngayon po, wala akong girlfriend, nagdi-date pero hindi seryoso. Siguro po, mag-aasawa pa rin ako, pero hindi muna ngayon.” (NORA CALDERON)