Maging sa pagdating ng mga state leader na dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit ngayong linggo ay tuloy pa rin umano ang operasyon ng sindikato sa likod ng “tanim-bala” scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon kay Public Attorneys’ Office (PAO) chief Atty. Persida Acosta.

Ayon kay Acosta, naaresto ang 61-anyos na si Lilly Chung, isang pasaherong patungong Caticlan, sa NAIA noong Martes matapos makuhanan ng airport authorities ng isang bala sa kanyang bagahe.

Nangyari ang insidente halos kasabay ng pagdating ng mga APEC leader sa bansa, kabilang si US President Barack Obama.

At dahil sa kawalan ng intensiyong kriminal sa panig ni Chung, agad siyang pinalaya ng prosecutor on duty bagamat kinumpiska ang bitbit niyang bala.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Ang dala-dala niyang bala ay anting-anting na ibinigay ng isang Buddhist monk,” paliwanag ni Acosta.

Nakasakay din si Chung sa kanyang flight patungong Caticlan dakong 10:00 ng gabi nang araw na iyon.

Sa kasalukuyan, natulungan na ng PAO ang 28 nahulihan ng bala sa mga paliparan. (Leonard D. Postrado)