Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang mga alegasyon na “overkill” ang security preparations para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Meeting sa Metro Manila.
Paliwanag ni PNP chief Director General Ricardo Marquez, mayroon silang mga pamantayan sa pagtitiyak sa seguridad ng mga head of state at malaking responsibilidad ang pag-secure sa 21 leader kaya dapat na maunawaan ng publiko ang antas ng security preparations at preparedness. “This is standard of all countries so when our President visits any of their countries, the same level of security is also provided,” ani Marquez.
Idinagdag ni Marquez na ang matinding seguridad ay may kaugnayan sa terrorist attacks kamakailan sa Paris, France.
“The level of security (is understandable considering) what happened in Paris and considering (that there 21 leaders and representatives of the 21 participating countries),” aniya pa. (PNA)