SAN ANTONIO – Nagtala ng season-high 25 puntos si Tony Parker para pangunahan ang San Antonio sa paggapi sa Denver, 109-98 at maiposte ang kanilang ikaanim na sunod na panalo.

Nagdagdag naman si Kawhi Leonard ng 20 puntos habang nag-ambag sina Tim Duncan at La Marcus Aldridge ng 12 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod para sa Spurs na nanatiling undefeated sa kanilang homecourt matapos ang limang laro.

Nagtala naman si 6-foot-10 Denver rookie Nikola Jokic ng 23 puntos mula sa bench at 8-for-13 sa field kabilang na kanyang unang 3-pointer sa season.

Dahil sa pagkakadagdag sa kanilang roster ni Aldridge at patuloy na pag-angat ng laro ni Leonard, nabawasan ang offensive load ni Parker sa kanyang 15th season.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Hindi pa naglaro sa Spurs si Manu Ginobili na mawawala hanggang sa susunod nilang dalawang laro dahil sa iniiinda nitong bilateral hip tightness. (AP)