Namatay ang isang engineering student matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek na humarang sa kanyang motorsiklo sa Zamboanga City, iniulat ng pulisya kahapon.

Dead on arrival sa ospital si Abdurahman Omar Alamia, 23, graduating student, bunga ng mga tama ng bala mula sa kalibre .45.

Ayon sa Zamboanga City Police Office, nangyari ang krimen nitong Martes ng gabi sa Bgy. Baliwasan, Zamboanga City.

Umalis ang biktima mula sa kanyang tinutuluyan upang makipagkita sa isang kaibigan nang mangyari ang insidente.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narekober ng Scene of the Crime Operations ang mga basyo ng bala ng caliber .45 pistol na ginamit sa pamamaril.

Inaalam ng pulisya ang motibo at ang suspek sa krimen. (Fer Taboy)