Isang miyembro ng kilabot na “Baklas Kotse” gang ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at mga barangay tanod sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Limuel E. Obon, hepe ng Kamuning Police Station 10, ang suspek na si Lauro Delgado y Joaquin, 20, tubong Tarlac City at nanunuluyan sa No. 106, Manunngal St., Bgy. Tatalon, Quezon City.

Una rito, nagreklamo kay Supt. Obon ang mga biktimang sina Samuel Briones, 41; at Joselito Battad, 50, kapwa taga- Barangay Laging Handa ng lungsod.

Nabatid sa imbestigasyon ng Kamuning Police na dakong 8:00 ng umaga nang halos magkasabay na tinangay ang side mirror ng Toyota Innova (ZDD- 552) ni Battad at ng mga Toyota Grandia GI ni Briones na may plakang UIB–892, UQG–755, POK–454, sa Scout Lozano ng nasabing barangay.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Nakita sa CCTV ng barangay ang pagbaklas ng dalawang suspek kaya agad na sumalakay ang mga pulis katuwang ang mga barangay tanod.

Naaresto si Delgado sa may Victory St., sa Barangay Tatalon habang nakatakas ang kasama nitong lalaki.

(Jun Fabon)