Humina ang bagyong may international name na “In-Fa” na namataan sa karagatang malapit sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa report ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC), pansamantala lamang ang paghina ng nasabing bagyo dahil mag-iipon na naman ito ng lakas bago pumasok sa bansa sa susunod na linggo.

Kapag nakapasok ng PAR, tatawagin itong bagyong “Marilyn”.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na malaki ang tsansa nitong lumakas pa dahil dadaan ito sa karagatan at walang inaasahang haharang para makaapekto sa dala nitong hangin.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Wala pang inilababas na pahayag ang PAGASA kaugnay sa posibleng pagtama nito sa Pilipinas dahil nasa 3,000 kilometro pa ang layo nito sa PAR. (Rommel P. Tabbad)