HANGGANG sa presscon ng Little Nanay, hindi pa rin nagsi-sink in kay Hiro Peralta na siya ang love interest ni Kris Bernal sa family drama na nagsimula na ang airing kagabi.

Ibig sabihin, lead actor na siya.

Alam niyang big break ito sa kanya kaya kailangan niyang galingan ang pag-arte para hindi mapag-iwanan ng mga kasama.

“I feel blessed na sabihin at tawaging ako ang leading man ni Kris dito sa Little Nanay at honored na sa akin ibinigay ng GMA-7 ang karakter ni Archie. Hindi ko palalampasin ang chance na ito,” sabi ni Hiro.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Naikuwento ni Hiro na dumanas siya ng depression after ng Anna Karenina dahil ang paniwala niya, wala nang mangyayari sa kanyang career. Inisip niyang tumigil na lang sa pag-aartista, pero dumating ang Pari Koy at nagkaroon uli siya ng sigla na ipagpatuloy ang pag-aartista.

“Pari Koy opened my eyes na hindi lahat ng eksena kailangan mong magpa-cute at na-realize ko ring mali ang approach ko sa career ko. Wrong approach pala ang ginagawa ko, ngayon mas positive na ako at up ang motivation ko. Gusto kong maayos na ang career ko at gusto ko maging katulad nina Nora Aunor, Bembol Roco at Eddie Garcia,” paniniyak ni Hiro.

(Nitz Miralles)