November 15, 1988 nang iproklama ni noon ay Palestine Liberation Organization (PLO) Chairman Yasser Arafat (1929-2004) ang isang malayang Palestine.

Pormal itong inihayag ni Arafat bago ang Palestine National Council (PNC). Bumoto ang PNC para sa kanilang kalayaan, sa botong 253-46. Saklaw ng teritoryo ng Palestine ang West Bank, Gaza Strip, at East Jerusalem.

Hindi binanggit ni Arafat ang mga hangganan ng Palestine, kahit na sinabi niya na nagpakita pa rin ng basehan ang 1947 United Nations’ (UN) Jew-Arab partition plan para sa “international legitimacy.”

Itinuring ng mga Palestinian ang deklarasyon bilang simula ng kampanyang pangkapayapaan sa kanilang kaaway na Israel. Gayunman, hindi kailanman tinanggap ng Israel ang pagiging estado ng Palestine.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Naging miyembro ng UN ang Israel noong 1949.