PURA, Tarlac - Nauwi sa bugbugan at tagaan ang inuman sa Barangay Buenavista sa Pura, Tarlac, matapos magkapikunan ang tatlong nagtatagayan sa nasabing lugar.

Binugbog at pinaghahataw ng asarol sa ulo si Randy Valdez, 38, may asawa, magsasaka, ng Bgy. Buenavista, habang ang mga suspek naman ay sina Joseph Millo, 36, ng Bgy. Nilasin 2nd; at Carlos Bala, 57, ng Bgy. Buenavista, Pura.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jerrymia Soley, dakong 7:00 ng gabi at nag-iinuman ang dalawang suspek kasama ang isang kaibigan nang makisalo si Valdez, pero nang malasing ay naghamon umano ito ng away at nauwi sa suntukan.

Ayon sa report, umuwi si Valdez at pagbalik ay armado na ng asarol at lingkaw, ngunit agad na naagaw ng mga suspek ang mga ito at siyang ginamit sa biktima. (Leandro Alborote)
Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga