Richard Gutierrez copy real

SI Richard Gutierrez ang magbibida sa bagong Ang Panday na mapapanood as fantaserye.

Balik-serye na ang TV5 dahil ito ang gustong gawin ng bagong content provider nilang si Viva Boss Vic del Rosario.

Nalaman namin na ang isa sa teleseryeng ipo-produce ni Boss Vic ay ang pagbabalik-telebisyon ng Ang Panday na sinulat ni Carlo J. Caparas sa komiks simula noong 1970 at ginawang series ng pelikula ni Fernando Poe, Jr.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Matatandaan na naging panday din sa pelikula sina Bong Revilla, Jr. at Janno Gibbs.

Ginawa rin ito sa ABS-CBN na si Jericho Rosales ang bida noong 2005.

Ginanap na ang pictorial ni Richard kahapon at iisa ang napansin ng lahat ng nakakita, “Ang taba ni Richard, kailangan niyang mag-reduce, hindi na sila nagkakalayo ni Raymond (kakambal ng aktor).”

Hala, oo nga kung ganu’n na kalaki si Richard, e, kailangan niyang magbawas ng timbang dahil baka mahirapan siyang kumilos.

May dalawang buwan pa naman siya para mag-gym dahil ang alam namin ay sa Enero 2016 pa sisimulan ang produksiyon ng lahat ng teleserye ng TV5.

Curious lang kami kung sino ang magiging leading lady ni Richard. (REGGEE BONOAN)