Nobyembre 13, 1985, dakong 3:00 ng hapon (oras sa Columbia), nang magsimulang mag-alboroto ang Nevado del Ruiz Volcano sa Columbia, at nagkaroon ng maliliit na pagsabog sa paligid ng crater.
Kahit na patindi nang patindi ang pag-aalboroto ng bulkan, hindi ito ikinonsidera ng mga residente bilang isang malaking pagsabog. Dakong 11:00 ng gabi, habang himbing ang halos lahat ng 25,000 residente ng Armero, nang biglang “the world screamed,” ayon sa isang saksi.
Nangyari na ang kagimbal-gimbal na pagsabog, bumaha ng tubig at putik sa buong siyudad. Ito ay sinundan ng tatlo hanggang apat na beses na volcanic mudflows pagkaraan ng 20 hanggang 30 minuto, na dahilan ng pagkamatay ng nasa 22,000 katao.