Napasama ang pag-awat ng isang construction worker sa nagrarambulang kapitbahay makaraang siya ang pagbalingan at pagsasaksakin ng mga ito sa Caloocan City, Lunes ng hapon.

Nilalapatan ng lunas sa Valenzuela City Medical Center si Merlito Rapis, 42, ng NPC Sukaban, Bgy. 165, Bagbaguin ng lungsod sanhi ng mga saksak sa katawan.

Samantala, nagtatago na ang mga suspek na si Matacio Sulana at mga anak na sina Michael at Bulak.

Ayon sa report, bandang 5:45 ng hapon, nag-away ang mag-aamang Sulana sa hindi malamang dahilan. Lumabas ng bahay si Rapis at inawat sila na ikinagalit ng mga suspek at siya ang pinagbalingang saksakin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Isinampa na ang kasong frustrated homicide laban sa mag-aamang Sulana sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(Orly L. Barcala)